Pamilya Billones, itutuloy ang kaso sa nakabundol kay Khurk Lowie sa Brgy. Magon, Tantangan, SoCot

KORONADAL CITY – ITUTULOY ng pamilya Billones-Palaguyan ang pagfile ng kaso sa itinuturo at hinihinalang suspek na naka-hit-and-run sa Grade 6 pupil na si Khurk Lowie Billones sa national highway ng Barangay Magon, Tantangan, South Cotabato noong Mayo 25 ngayong taon.

Ito’y makaraang hindi natuloy ang kanila sana umanong settlement opisina ni Vice Mayor Ceasar Dasilao na siya umanong unang inihayag ng kabilang kampo. Ito ang kinumpirma ni Renalyn Billones Palaguyan, ina ng biktima sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan parang parehas umano ang mga ito sa mga pinaasa saw ala at kanilang inihayag na hindi nila gusto ng extention sa settlement dahilan na kanilang inasikaos ang mga dokumento sa municipyo upang mai-file ang kaso.

Dagdag ni Renalyn, na kanilang itong tututukan at kaniyang ipinapasiguro na sa korte na lamang sila magkikita kung saan wala umanong konsensya at kaniya lamang umanong tinakbuhan ang pangyayari sa pamilya Billones-Palaguyan. Umaasa naman ang pamilyang ito, na masasagot at mananagot sa batas ang mapapatunayang may kagagawan sa pangyayaring ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *