Aplikasyong taas singil sa mga ferry boat na biyaheng Tabaco-Catanduanes, aprobado na ng Marina

LEGAZPI CITY – Aprubado na ng Maritime Industry Authority ang aplikasyong taas singil ng mga ferry boat na biyaheng Tabaco – Catanduanes vice versa.

Ayon kay Ret. Vice-Admiral Robert Empedrad, Administrator ng MARINA, dahil deregulated na ang domestic shipping Industry, wala umanong magagawa ang ahensya kundi kausapin ang mga shipping lines na huwag taasan ng labis ang pamasahe.

Read More:  Three former NPA members surrender in Eastern Visayas

Inaasahan sa mga ferry boat na magiging 323.00 na ang pamasahe sa ordinary, 434.00 para sa aircon at 574.00 naman cavan.

Read More:  Three exposed to hazardous materials in suspected Cebu gas leak

Kung matatandaan, epektibo simula ika 27 ng Marso ang 40% na taas pasahe sa mga ferry boat na Calixta, Peñafrancia, Regina, at Cardinal Shipping lines.