LEGAZPI CITY – Inihayag ni SDS Crestito M. Morcilla, ang schools division office ng Legazpi City ng Department of Education na anim na paaralan ang nagsimula na ng kanilang face to face classes.
Ayon kay Morcilla buwan ng Marso 7, 2022, sinimulan na ang kanilang face to face classes ang Bariis Elementary School, matanag elementary school at puro elementary school.
Makalipas ang dalawang linggo ay nakapagbukas ulit ng paaralan na magsasagawa ng f2f sa 21 Banquerohan Elementary school, Bagacay Elementary school at Buenavista elementary school.
Aniya, bago pa man nagbukas ng klase ang mga nabanggit na paaralan ay maraming ginawang assessment ang divison office at regional office kung saan lahat nito pumasao sa requirements.
Isa sa mga requirements ng pagbubukas ng klase o f2f ay walang covid positive sa lugar, supporta ng paaralan at Lgus.
Sinabi ng oposyal, nasa 12% na ang nagbukas ng klase sa lungsod ng Legazpi.
Binigyan diin nito na bawat linggo ay patuloy ang kanilang pagbubukas ng mga paaralan na magsasagawa ng face to classes.