Barangay Maonon sa Ligao City, nakapagtala ng halos 400 out of school youths

LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng halos 400 out of school youths (OSY) mula sa kabataang may edad 15 hanggang 30 ang barangay Maonon sa lungsod ng Ligao.

Ayon kay Irene Racho, Acting City Social Welfare and Development(CSWD) Officer sa lungsod ng Ligao, bukod sa economic status ng mga OSY, posible din umanong dahilan ang distansya ng nasabing barangay sa sentro ng lungsod, kung kaya’t nakapagtala sila ng ganitong bilang ng OSY sa lugar.

Inaabot kasi umano ng dalawang oras ang biyahe mula sa kanilang barangay papunta sa sentro ng lungsod na kung saan na roon ang mga college institutions.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa rito, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang nasabing tanggapan sa Department of Education (DepEd) tungkol sa programa nitong Alternative Learning System (ALS) kung saan maaaring mag-enrol ang ilang OSY.

Nilalayon din ng CSWD of Ligao na mabigyan ng livelihood programs at skills training ang mga OSY lalo na ang mga High School graduate na.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mensahe naman ni Racho sa mga kabataan lalo na sa mga OSY, na ito na umano ang tamang pagkakataon upang magkaisang maipakita ang kahalagahan ng edukasyon at pag-aaral.

Kung matatandaan, nagsagawa ng leadership and management training ang nasabing ahensya katuwang ang Pag-Asa Youth Association of the Philippines (PYAP) na may layuning tulungan na maging self-reliant, economically and socially responsible ang mga OSY sa lungsod ng Ligao.

Ang PYAP ay isang organisasyong may layuning isulong ang kapakanan ng mga OSY sa bawat barangay.