LEGAZPI CITY – Sinimulan na ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa DOH Midwifery Scholarship Program para sa A.Y. 2022-2023.
Ang nasabing programa ay nag-aalok ng dalawang taong (2) diploma course para sa mga aspiring midwives, 18 hanggang 35 taong gulang.
Layunin ng programang ito na makapagbigay suporta sa pagkamit ng pantay na pag-access para sa lahat ng Pilipino sa de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng paggawa ng mga dalubhasa at maaasahang midwives upang bawasan ang maternal at neonatal morbidity at mortality rate.
Magtatagal ang nasabing aplikasyon at pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento sa Provincial DOH Offices sa Abril 29, 2022.