Apela ng Legazpi City-LGU na makapagsagawa ng prusisyon ngayong semana santa, pinaboran ng Bicol-IATF

BNFM BICOL— Inanunisyo ng Legazpi City LGU na inaprubahan ng Bicol Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng lokal na pamahalaan na makapagsagawa ng prusisyon ngayong darating na ‘Mahal na Araw’.

Batay sa impormasyong ibinahagi ni Legazpi City Mayor Noel Rosal, sinang-ayunan ni DILG Undersecretary Epimaco Densing ang apela ng LGU na idaos ang naturang aktibidad ngayong buwan ng Abril, sa kondisyong mahigpit pa ring ipasusunod ang mga umiiral na health protocols.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Dagdag pa ng alkalde, ang mababa umanong kaso ng sakit nitong dalawang magkasunod na linggo sa lungsod at ang magandang performance sa vaccination program, ang ilan sa mga naging batayan kung kaya’t pinahintulutan ng Bicol IATF ang kanilang apela.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Matatandaang dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, dalawang taon nang hindi naisasagawa ang mga nakaugaliang aktibidad tuwing mahal na araw gaya ng prusisyon, bunsod ng pagbabawal sa mga maramihang pagtitipon.###