Pumalo na sa 60,841 na mga pamilya ang naapektuhan sa malaking bahagi ng Mindanao dahil sa matinding pagbaha na dala ng southwest monsoon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), matinding naapektuhan Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 46,812 pamilya.
Sinundan naman ito ng 8,220 pamilya mula sa Region 12, 3,207 sa Region 9, 2,441 na pamilya sa Region 10, at 161 pamilya sa Region 11.
4,767 sa datos na ito ang nananatiling tumutuloy at naninirahan sa mga evacuation center.