Motorized boat ipinamahagi ng DOLE Bicol sa mga disadvantage fisherman sa Tiwi, Albay

Legazpi City- Ipinamahagi ng Department of Labor and Employment Bicol ang 81 motorized boat para sa mga disadvantage fisherman sa Sugod Tiwi Albay.

Ayon kay Ma. Zenaida Angara-Campita Regional Director ng DOLE-Bicol na sa tulong ng programa makakapagsimula ulit ang mga residente sa pangingisda na pangunahin nilang hanapbuhay.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ang programang ito ay tulong ng ahensya sa ilalam ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) na may halagang mahigit 30 milyong piso.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Kung matatandaan sinalanta ng bagyong Rolly, Quinta at Ulysses ang Albay noong 2020 na sumira sa maraming bahay at hanapbuhay sa lugar.