LEGAZPI CITY – Kinumpirma NBI Bicol na apat na barangay sa bayan ng Libon Albay ay hindi na ligtas ang mga dayuhan o tutungo sa lugar dahil sa mga naitatalang patay.
Ayon kay Regional Director Paterno Morales, binalaan na ang mga taong papasok sa Barangay ng Molosbolos, Boga, Tagbak, Macabogos ay huwag na munang pumasok sa lugar dahil bawat linggo ay mayroong namamatay sa lugar.
Dahil dito maraming hindi nakakabalik sa kanilang pamilya o nawawala na kung saan posibleng inilibing sa lupa ang bangkay na mga ito.
Pinaniniwalaan ng ahensya na ang grupo na gagawa ng krimen o pagpatay sa mga hindi residente ng nabanggit na barangay o dayuhan ay ang Gilbert Conception Criminal Group.
Pakiusap ng opisyal, na makipagtulungan na lamang mga residente na ituro o isumbong ang kanilang pinagmumuguran ng nasabing criminal group upang mahuli na ang mga ito at maibalik sa katahimikan na lugar.