Boxing champ Jayson ‘Striker’ Vayson inialay ang belt sa ama

Napaluhod at napaiyak si WBC Asia Continental Light Flyweight Champion Jayson “Striker” Vayson habang hawak at inialay ang championship belt matapos manalo kay Nutlai Lalbialkkimma ng India sa WBC Asia Continental Light Flyweight Championship na ginanap sa World Trade Center Dubai, United Arab Emirates noong Hunyo 18.

Ayon kay Jayson, na tubong Brgy. Sinobong, Veruela, Aguan del Sur na walong taong gulang pa lang siyang sinanay ng kanyang ama sa nasabing sport dahilan para magpursige at magsikap at seryosohin ang nasabing career.

Read More:  Farm Fresh pulls off reverse sweep against Choco Mucho in PVL

Gusto sana makita ng kanyang ama ang kanyang championship belt pero binawian ng buhay tatlong taon na ang nakakalipas habang nagsisimula pa lang siya sa professional boxing.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Sa ngayon, naghihintay na lang si Jayson kung saan lugar niya idedepensa ang nasabing championship belt at inaantay kung mayroong mababakante na ibang title sa kanyang weight class at division.

Mensahe pa nito sa mga magpursige sa nasabing sport na huwag sumuko at mag patuloy para matupad ang mga pangarap.