Itinuturing na magandang panimula para sa mga nurse ng bansa ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kanyang inagaural speech dahil patunay ito na nabigyan sila agad ng importansya.
Ito ang inihayag ni Filipino Nurses United President Maristela Abenojar.
Giit ni Abenojar na totoo namang itinuturing na “best” sa buong mundo ang mga Filipino nurses.
Sinabi pa ng opisyal na dapat ay prayoridad ng gobyerno ang pagpapaganda sa social services sa kanyang mamamayan.
Isang paraan dito ang pagtugon sa dahilan ng pag-alis ng mga professional workers kabilang ang mga nurses na itinutulak palabas ng bansa dahil sa krisis pang-ekonomiya.
Kinumpirma din ni Abenojar na nasa mahigit 300,000 mula sa 917,000 Filipino nurses ang nasa labas ng Pilipinas.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#