Apat katao, patay sa Southern China dahil sa walang tigil na ulan

Nakaranas ng malalakas na ulan ang katimugang China, na ikinasawi ng hindi bababa sa apat na tao.

Samantala, sampung inidbidwal pa ang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Tatlo ang namatay sa lungsod ng Zhaoqing habang isang rescuer ang namatay sa lungsod ng Shaoguan.

Ang dalawang lungsod sa lalawigan ng Guangdong ay kabilang sa mga lugar na tinamaan ng matinding pag-ulan.

Read More:  India’s air pollution worsens ahead of Diwali celebrations

Humigit-kumulang 110,000 katao ang inilikas sa buong lalawigan, habang 25,800 katao ang nasa mga emergency shelter.

###