Matapos ang kasalang Angelica Panganiban at Gregg Homan sa Siargao noong weekend, agad namang inintriga ng ilang netizens na paparating na nga ba ang secondy baby ng dalawa.
Ito’y matapos nakitang nag-uusap ang bagong kasal sa kanilang matatalik na kaibigan na sina Judy Ann Santos at Dr. Aivee Teo.
Patago kasing sinabi ni Juday ang mga katagang “May plus one na siya….”
Ayon sa mga netizens, ang usapan nina Juday ay ang tungkol sa pagdadalang-tao muli ni Angelica sa second baby nila ni Gregg, na nangangahulugang magiging ate na ang kanyang panganay na si Amila Sabine.
Ngunit wala namang kompirmasyon ang kampo ni Angelica hinggil rito.
Maalalang dalawang beses nang ikinasal sina Angelica at Gregg, dahil nagpakasal muna sila sa Los Angeles, California, USA, noong December.
