Final report ng senate blue ribbon sa isyu ng Pharmally deals, hihintayin ng Palasyo

Hihintayin muna ng Malacañang ang pinal at opisyal na ulat ng Senate Blue Ribbon Committee bago gumawa ng anumang hakbang kaugnay sa kontrobersiyal na Pharmally deal.

Ito ang reaksiyon ng Palasyo sa inisyal na findings ng senado kung saan sinabi nitong nakagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘betrayal of public’ trust dahil sa umano’y pagtatanggol sa mga Pharmally officials.

Read More:  CAAP tightens preparations for Super Typhoon Inday

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles Nograles sa ngayon ay hindi pa makakapag-komento ang Malacañang sa inisyal na ulat.

Iginiit ni Nograles na walang ipinagtatanggol si Pangulong Duterte bagkus ay hinimok pa nito ang senado na sampahan kaso na sa tingin nito ay may nilabag na batas sa procument deals.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Paliwanag ng kalihim na ang hindi lang nagustuhan ng Pangulo ay paggamit sa Senate hearing bilang plataporma para sa politika kung saan nadadamay ang trabaho ng kanyang mga kalihim.