Anthony Joshua, tinanggap ang hamon ni Tyson Fury para sa ‘Battle of Britain’ WBC title bout

Inihayag ni Anthony Joshua na handa siyang labanan ang world champion na si Tyson Fury sa Disyembre, matapos na maghamon ito ng public challenge na lumaban sa ‘Battle of Britain’ para sa WBC heavyweight boxing belt.

Mababatid na si Joshua na 32-anyos, ay nagtamo ng second straight loss kay Ukraine’s WBA, WBO, IBF at IBO champion Oleksandr Usyk sa title rematch sa Saudi Arabia noong nakaraang buwan.

Kaugnay nito, sinabi nitong nais niyang magbalik sa ring, bago matapos ang taon.

Una nang inanunsyo ni Fury noong Abril na tinutrupad niya ang kanyang pangako sa kanyang asawa na magretiro na, pero sinabing lalaban siyang muli.