Anne Curtis nakalikom ng higit PHP1 milyon mula sa kanyang funding drive

Nakalikom g mahigit PHP1 milyon si Anne Curtis sa kanyang funding drive bilang ambassadress ng UNICEF.

Tinupad niya ang kanyang pangako na doblehin ang halaga na itataas mula sa Takbo Para sa Bata, ang kanyang kampanya para matulungan ang mga batang biktima ng karahasan, pang-aabuso, at pagsasamantala.

Sa kanyang Instagram account, inihayag ng It’s Showtime host ang tagumpay ng kanyang charity drive na may pasasalamat sa mga donors na tumulong para maisakatuparan ito.

Matatandaang tumakbo si Anne sa 42-km Tokyo Marathon sa Japan noong March 3, 2023.

Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang asawang si Ewann Heussaff at ang kanilang anak na si Dahlia na naroon lamang bilang moral support at inspirasyon.//CA