Nananatiling last Filipina standing sa IBA Women’s World Boxing Tournament si Nesthy Petecio.
Ipinamalas ng 30-anyos na Davaoeña ang kanyang lakas na nagwagi sa kanya ng silver medal sa 2020 Tokyo Olympics para talunin si sixth seed Guy Tianna ng Carribean, 6-0, sa 54-57 kg featherweight class.

Nangibabaw si Petecio sa scorecards sa pamamagitan ng 30-27 score mula sa Moroccan, Estonian, Serbian at Indonesian judges at 30-26 mula sa Venezuelan judge.
Si Riza Pasuit ang unang natanggal sa maliit na contingent ng PH matapos sumuko sa kanyang opening match sa 60-63kg light welterweight class noong Biyernes.//CA