Anim na bayan sa Partido Area, pasok sa 2023 Seal of Good Financial Housekeeping

CAMARINES SUR- Tanging ang bayan lamang ng Caramoan, Garchitorena, Goa, Lagonoy, Presentacion, at Siruma sa Partido Area ang pumasa at kabilang sa mga nakatanggap ng 2023 Seal of Good Financial Housekeeping batay sa opisyal na datos na inilabas ng Department of the Interior and Local Government  (DILG).

Habang ang mga bayan naman ng Sagñay, San Jose, Tigaon, at Tinambac ang natira sa sampung mga bayan sa Partido Area, ang hindi nakatanggap ng nasabing pagkilalala.

Read More:  PWD allegedly assaulted by cousin in General Santos City

Ayon sa DILG, sa pamamagitan ng Seal of Good Financial Housekeeping, sinusuri ang pagtalima ng mga LGU sa accounting and auditing standards at iba pang alintuntunin at orden na naka-angkla sa pagiging transparent ng isang munisipalidad sa aspektong pangpinansyal.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Upang pumasa rito, kinakailangang makatanggap ng qualified at unqualified opinion ang isang LGU mula sa Commission on Audit (COA), kung saan dapat ang tatlong porsyento nito ay kasalukuyang ipinapatupad at sumusunod sa mga alituntunin batay sa Full Disclosure Policy.