Pormal nang ibinahagi ni Angelica Panganiban na siya ay buntis para sa kanyang unang anak sa partner na si Gregg Homan.
Ito’y matapos ibahagi ni Angelica ang larawan ng kanyang sonogram image, habang nasa dagat sila ni Gregg.
Maliban dito, nagbahagi rin ang aktres ng video ng kanyang ultrasound, kasunod ng kanyang larawan sa beach, kung saan makikitang nakahawak si Gregg sa kanyang baby bump.

Sa gitna nito, hindi maitago ni Panganiban ang kanyang excitement na mararanasan na ang pagiging ina.
Naging emosyunal rin ito sa katotohanang may pamilya na umano siyang matatawag na sa kanya. //MHEL PACIA-TRINIDAD