Andrea, inunfollow na si Ricci Rivero sa Instagram

In-unfollow na ng aktres na si Andrea Brillantes ang basketball player at ex-boyfriend nitong si Ricci Rivero sa Instagram.

Ito ay isang araw matapos ang interview ni Rivero sa  kung saan naging usapan ang hiwalayan nila ni Andrea.

Mariin na itinanggi ng basketball player na ginamit niya ang aktres para siya ay sumikat.

“Tito Boy kung ginamit ko po siya kasi marami naman pong offers ang ABS-CBN na sit-down interviews with her, shows with her, and simula po nu’ng naging kami never po akong nag-‘Yes,’ lahat po nag-beg-off ako kasi ayoko rin naman pong parang i-connect ‘yung trabaho sa personal relationship ko,” ani ni Rivero.

Dagdag pa nito na sobrang ‘genuine’ umano ng lahat kaya wala sa isip niya ang mga ganoong bagay.

Sa kabila ng pag-unfollow ni Andrea kay Rivero ay makikita pa rin sa Instagram account ng basketball player ang mga larawan ng dalawa.

Maaalalang nag post kamakailan si Rivero sa kanyang Twiiter  tungkol sa hiwalayan nila ni Andrea matapos ang higit isang taon nilang relasyon. // AC