Alex Eala, pasok sa 2nd round ng W40 Palma del Rio Tennis

Pasok na sa 2nd round ng W40 Palma del Rio Tennis Federation (ITF) tournament si 2022 US Open girls singles champion Alexandra “Alex” Eala.

Ito ay matapos niyang talunin  si Lorena Solar Donoso ng Spain, 6-3, 6-2, para umabante sa second round ng $40,000 event.

Sunod na paghahandaan ni Eala ang kapwa three-time ITF women’s singles champion na si Talia Gibson ng Australia at Adithya Karunaratne ng Hong Kong sa ikalawang round.

Target ng sixth-seeded na si Eala na sundan ang kanyang panalo sa  W25 Yecla sa Spain.