Andrea Brillantes, nanindigang walang special treatment sa Olivia Rodrigo concert

Nagsalita na ang aktres na si Andrea Brillantes matapos nitong mabatikos dahil sa pagkakaroon umano ng special treatment sa sold-out concert ni Olivia Rodrigo sa Philippine Arena.

Kung maalala, pinuna si Andrea dahil nasa VIP section ito kasama ang kanyang kaibigan, at sinabihang hindi naman umano ito pumila para bumili ng ticket.

Paglilinaw ng aktres, hindi siya nakatanggap ng VIP treatment at hindi rin siya nagyayabang sa kanyang spot.

Sa mga iba pang concerts, palaging nasa harap o bleachers si Andrea, na siyang ikinataka ng netizens dahil mabilis maubos ang mga tickets sa napuntahan niyang shows, tulad ng Blackpink, fanmeet ni Kim So-hyun, at maging kay Sabrina Carpenter.