Patay ang isang 35-anyos na lalaki dahil umano sa pananaksak ng ama nito kahapon, araw ng Byernes dito sa Olongapo City.
Ayon kay alyas Daisy, asawa ng biktima, kahapon pasado alas kwatro ng hapon ay pinuntahan sila ng suspek dahil umano sa kanilang aso na umihi sa kwarto nito.
Pagkatapos nito ay bumalik muli umano ang amang suspek na may dala ng patalim sa kanilang bahay at unang sinapak si Daisy kaya humarang ang kanyang asawa at tinulak na siya nito palabas.
Nang makahingi si Daisy ng saklolo ay agad isinugod ang biktima sa ospital pero dahil sa mga tinamong sugat ay hindi na ito nakaligtas.
Dagdag pa ni Daisy, dati pa umano madalas ng naikukwento ng kanyang asawa na palagi siyang napapagalitan ng kanyang ama.
Ayon naman sa PNP, base sa medical ng suspek ay wala itong injury na indikasyon na maaaring lumaban ang biktima.
Sinubukan naman ng BNFM na kausapin ang suspek para makunan ito ng panig pero tumanggi muna itong magbigay ng pahayag.
Samantala, nagpaalala naman si PSSG Efren Reyes Jr., imbestigastor ng Station 5, na kung may mga problema ay pag-usapan ito ng maayos o kaya ay humingi ng payo sa mga otoridad para matugunan ang problema at maiwasan ang mga ganitong pangyayari.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
