Anak ng mag-asawang namatay sa insidente ng pananaga sa Naga City nabigyan na ng paunang tulong ng CSWDO

NAGA CITY –Nagpadala agad ng agarang tulong ang City Social Welfare and Development Office sa anak na naulila ng mag-asawang Realo na namatay sa Barangay Mabolo noong isang gabi sa Naga City.

Paunang ayuda na ipinadala sa bata at sa pansamantalang nag-aaruga dito ay mga pagkain.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Annabelle Vargas, head ng CSWDO, titingnan nila ang magiging sitwasyon ng bata at kung walang pamilyang mag-aalaga ditto ay sila na muna ang pansamantalang magiging guardian nito.

Paliwanag ni Vargas, kailangan na matiyak nila ang kaligtasan ng bata, pati na rin ang status ng isip nito matapos sa halos masaksihan ang nangyaring krimen, ang pagpatay ng kanyang ama sa kanyang ina, napatay din ang ama matapos na manlabas sa pulis. Nataga ang pulis habang nasa proseso sana ng negosasyon na sumuko.

Kailangan din na sumailalim ang bata sa counselling na gagawin ng mga social worker para na din sa mental health nito.

Tiniyak ni Vargas na ang magiging hakbang nila ay batay sa proseso ng ahensiya sa batang naulila dahil sa ganitong krimen.

Bukas ang opisina para sa mga mag-asawang may pinagdaraanan ding problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *