Nilinaw ni Ana Jalandoni na walang third party sa nangyaring pambubugbog sa kaniya ng nobyong si Kit Thompson.
Ayon kay Ana, pinag-usapan nila ng nobyo ang tungkol sa planong pagpapakasal nang mag-check in sila sa isang hotel sa Tagaytay noong March 17, nang mauwi ito sa away, matapos maungkat ang mga dati niyang nakarelasyon.
Pinagbantaan umano siya ni Kit na papatayin siya kapag iniwan niya ang aktor.
Matapos ang naturang pagtatalo, nakatulog daw si Ana. pero nang magising ay doon na raw siya sinimulang saktan ng aktor.

Aminado naman ang aktres na mahal pa niya si Kit, pero mahalagang ipaglaban umano niya ang kanyang karapatan bilang babae. //MHEL PACIA-TRINIDAD