Obiena at PATAFA, nagkaayos na

Nagkasundo na ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at ang pole vaulter na si EJ Obiena.

Ayon sa Philippine Sports Commission (PCS), naayos ang sigalot sa ikalimang pagpupulong na ginanap noong Miyerkules.

Ikinatuwa naman ni PSC chairman William Ramirez na nagsilbing sole mediator sa proceedings na ang nauna-unahang sport mediation na isinagawa ng PSC ay matagumpay na naresolba.

Read More:  Barangay Ginebra takes Game 1 of PBA Governors’ Cup quarterfinals against San Miguel

Hindi na inihayag ang detalye ng naturang mediation batay na rin sa kahilingan umano ng magkabilang panig.

Sinabing humingi ng tawad si Obiena sa PATAFA, sa kanilang mga board members, kay Philip Juico, at sa kanyang teammates, at parehong tiniyak ng dalawang panig ang pagpapatawad, para magsimula ng panibago at move on.

Read More:  Alex Eala dominates British wildcard Stojsavljevic, advances to Pan Pacific Open Round of 16

Matatandaan na nag-ugat ang sigalot ng PATAFA at ni Obiena nang akusahan ng organisasyon ang atleta nang hindi tamang paggamit sa pondo na pambayad sa kaniyang Ukrainian coach. //MHEL PACIA-TRINIDAD