May big come back ang fashion icon na si Renee Salud, sa kanyang unang grand fashion show.
Kaugnay nito, naging emosyunal ang 75-anyos na in-demand designer sa naturang event, lalo’t ito ang kanyang unang malaking fashion gathering, dalawang taon matapos ang pagsisimula ng pandemya.
Ayon kay Salud, inakala niyang katapusan na ng kanyang buhay noong pandemya, maging ng kanyang career, pero ngayon umano ay nagbigyan siya ng pagkakataon.

Samantala, ito ang unang social outing para sa maraming kababaihan na nagsuot ng vintage Salud creations, kung saan ilan sa mga scene stealers ay ang kanyang long-time friends, dating Binibining Pilipinas queens Patty Betita, Gem Padilla, Thea Robles, Desiree Verdadero, veteran model Lou Bunyi, at Miss Universe Philippines 2022 top candidate Kat Llegado. //MHEL PACIA-TRINIDAD