CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue nitong Biyernes, June 9, na hanggang June 14 na lang ng taong kasalukuyan o sa susunod na linggo ang availment period ng estate tax amnesty na una nang pinalawig ng mahigit dalawang taon.
Ito ay sa kabila ng pagkakaaproba ng senado sa third at final reading noong Mayo ng panukalang batas na pagpapalawig sa amnesty sa pagbabayad ng estate tax ng dalawa pang taon.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon ng Revenue District Office No 64, na dahil hindi pa naman ito ganap na batas kaya mananatili ang deadline sa kaslaukuyan nitong schedule.
Sakop ng amnesty ang estate of decedents na namatay bago ang December 31, 2017 na ang estate taxes ay hindi pa nababayaran o naipon hanggang sa nabanggit na petsa.
Kapag nag-avail ng programa ay 6 % lang ng tax ang babayaran, walang babayarang back taxes at penalties at higit sa lahat abswelto sa demanda.
Kapag lumagpas sa June 14 at hindi naging ganap na batas ang muling pagpapalawig nito ay balik sa normal na computation o regular rate na may kasamang penalty, 25 % surcharge interest at compromise penalty.
