Mga LGU na magsasagawa ng Antigen test hinimok na magkaroon ng MOA sa CNPH

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Provincial Health Office ang mga Lokal na Pamahalaan na magkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Camarines Norte Provincial Hospital para maging legal ang proseso ng pagsasagawa ng Rapid Antigen test.

Sa kaniyang pagharap sa mga Alkalde sa Camarines Norte, iminungkahi ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang pagkakaroon ng MOA dahil mayroon umanong panuntunan ang Department of Health ukol dito.

Paliwanag ni Francisco na dapat ay trained personnel ang nagsasagawa nito at hindi ang kung sino lang.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

“Kailangan po train person to do that rapid test, hindi lang, baka mamaya masundot mo nandun na pala sa utak ano, so train po, hindi basta basta po kasi,” ani Francisco.

Kapag mayroong umanong MOA ay magkakaroon na ng lisensiya ang LGU na magsagawa ng antigen test at mayroon ding pathologist ang CNPH.

Isa umano itong proseso na sana ang mga health facility ay mayroong complete structure sa laboratoryo bagay na kung sa RHU lang ay mayroong mga kakulangan kaya’t kailangan ang MOA.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Mababatid na ilang LGU sa lalawigan ang nagsasagawa ng Antigen test tulad ng Paracale at Jose Panganiban.

Sa bayan naman ng Basud ay may nakabinbing ordinansa para sa pagsasagawa rin ng antigen test sa kanilang constituents.