Ama ng batang nagkampeon sa chess competition sa Thailand na isa ring 4Ps member, nagbigay-payo sa kapwa benepisyaryo

LEGAZPI CITY – Pinayuhan ni Ben Operiano, ama ng walong taong gulang na batang nagkampeon sa isang chess competition sa Thailand kamakailan na si Bince Rafael Operiano, ang kapwa nito 4Ps member sa isinagawang Pantawid Pamilya Provincial Kick-off Pugay Tagumpay ng DSWD Bicol sa Albay Astrodome kahapon.

Ayon kay Operiano, hindi dapat panghinaan ng loob ang bawat isa bilang bahagi ng nabanggit na programa.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya, dapat lumalaban sa gitna ng kahirapan upang mapagtagumpayan at maabot ang pinapangarap ng bawat pamilya.

Dagdag pa niya, hindi dapat sumuko anumang pagsubok na dumating sa pamilya, kung kaya’t kinakailangang magtiwala sa sarili at huwag kalilimutan ang pananampalataya sa Diyos.

Payo pa ni Operiano, isipin lamang ang pangangailangan ng mga anak at alisin ang mga bisyo tulad ng paninigarilyo, pag-inom at pagsusugal upang hindi makita at tularan ng mga anak.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, pinasasalamatan ni Operiano ang mga tumulong sa kanyang anak upang maging makmit ang tagumpay sa nabanggit na kompetisyon. Kung matatandaan, ang kanyang anak ay itinanghal na kampyon sa Under-10 Category ng 2022 Eastern Asia Youth Chess Champion sa Bangkok, Thailand nito lamang November 5-12, 2022.