Alyansa ng Pilipinas sa Amerika sa WPS, pinaboran ng mahigit kalahati ng mga Pilipino

Hindi bababa sa 43% ng mga Pilipino ang pabor sa pakikipag-isa ng Pilipinas sa Amerika sa patuloy na pagtatalo sa South China Sea (SCS).

Ayon sa resulta ng survey ng Oculum Research and Analytics, nilahukan ito ng 3,000 Filipino adults mula Pebrero 21 hanggang Peb. 29, 2024.

Read More:  P162 million worth of kush seized from distressed yacht in Subic Bay

3% lamang ng mga respondent ang nagsabing dapat makiayon ang Pilipinas sa China sa agawan sa teritoryo, habang 40% ang mas gusto ang ibang mga bansa bukod sa US at Beijing.

Read More:  DOJ says VP Sara Duterte has no criminal immunity

Dagdag pa rito, ipinakita ng survey na ang Amerika ang pinakapinagkakatiwalaang bansa ng mga Pilipino na nakakuha ng 75% trust rating sa mga respondent.

Sinundan ito ng Canada na may 69%; Australia, 65%; Japan, 59%; at ang UK na may 58%.