Lalaki, sugatan matapos saksakin sa Tayabas City

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kainuman sa Barangay Mayuwi, Tayabas City nitong Huwebes, Abril 25.

Ayon sa police report, nag-iinuman umano noon ang suspek at ang biktima kasama ang kanilang mga ka-trabaho bilang selebrasyon ng pista ng barangay nang walang anu-ano umanong sinaksak ng suspek ang biktima sa kaliwang dibdib.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Dahil dito, isinugod sa hospital ang biktima para malapatan ng lunas habang ang suspek ay naaresto naman ng mga awtoridad.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Sa ngayon, kasalukuyang nagpapagaling ang biktima habang inihahanda ang kaukulang reklamo laban sa suspek.