LEGAZPI CITY – Kinumpirma na ng Alkalde Noel Rosal ng Legazpi na nagpositibo ito sakit na Coronavirus Disease (COVID) 19 kahapon matapos magpakuha ito ng antigen test result sa Estevez Memorial Hospital.
Sa kanyang facebook account sinabi nito nagpositibo ito sa nasabing sakit at maging ang kanyang asawa ay negative rin sa Covid 19.
Pinayuhan rin nito ang kanyang mga nakasalamuha na obserbahan ang kanilang sarili at maging ang closed contact ay kinakailangan umanong maghome quarantine muna upang hindi na makahawa pa sa ibang tao.
Dagdag pa nito, wala naman itong nararamdaman at maaari umanong asymptomatic sa covid 19.
Sa ngayon ay sumasailalim na rin sa home quarantine Ang Alkalde.
Samantala, ayon naman sa Department of Health (DOH) Bicol, 69 ang nagpositibo sa covid 19 sa lungsod ng Legazpi.
Pinakaraming nagpositibo sa naturang sakit ay mga Government Employee at Healthcare workers at may mga naitatala na rin nagpositibo na mga estudyante.
Paalala ng ahensya na kung hindi naman importante ang mga lakad o iwasan muna ang paggala at kung maaari ay manatili muna sa kanilang tahanan.