Dating drug surrenderee sa Legazpi City arestado sa search warrant operation ng PDEA Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang dating drug surrenderee sa ikinasang search warrant operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay sa bahay ng suspek sa Puro 5, Bgy. Bigaa lungsod ng Legazpi.

Kinilala ang suspek na si Arjune Gonzales alias “Arjune residente ng nasabing barangay Ayon sa PDEA, umaga ng puntahan ang tahanan ng suspek sa pangunguna ni Agent Silverio Relato, PDEA RO V RSET at Agent Jose R Basilla III sa ilalim ni Agent Noe S. Briguel ang head ng PDEA ng nasabing lalawigan upang isilbi ang search warrant laban sa ilegal na droga.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nang magsimula na ang paghahanap ay dito nakuha na 6 pcs heat-sealed transparent plastic sachets na may laman na ilegal na droga na may timbang na humigit kumulang sa 10 gramo, 1 PC digital weighing scale at iba pa.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Aabot sa P36K ang halaga na nakumpiska sa bahay ng suspek.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng nabanggit na tanggapan para sa kaukulang disposisyon at inihahanda na rin ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.