Alex Eala, bigo sa 2nd round ng W60 Canberra qualifiers

Isang linggo bago ang kanyang debut sa Australian Open qualifying, nabigo si Alex Eala ng Pilipinas sa three-setter sa second round ng W60 Canberra qualifiers.

Si Eala, ang 17-anyos na WTA World No. 215, ay pinatalsik ni No. 7 seed Oksana Selekhmeteva ng Russia, 6-3, 4-6, 4-6, sa loob ng dalawang oras at 26 minuto sa Court 6 ng Canberra Tennis Center.

Ang WTA World No. 189 Selekhmeteva, 19, ay kapareha ni Eala nang sakupin nila ang Roland Garros junior girls’ doubles final noong 2021.

Ang qualifying face-off ng mga lefties sa Australian capital ay ang kanilang ikatlong meetiong sa ITF Women’s World Tennis Tour, kung saan ang Russian ay nag-improve ng kanyang head-to-head sa 3-0.//CA