Anthony Hopkins, ipinagdiwang ang 47 taon ng pag rekober niya bilang alcoholic

Ipinagdiwang ni Hollywood legend Anthony Hopkins ang pag rekober niya bilang alcoholic.

Dahil rito, hinikayat niya ang kaniyang mga fans lalo na ang mga kabataan na maging mabait sa kanilang sarili at umiwas sa alak.

Inalala rin ng The Silence of the Lambs star na natagpuan niya ang kanyang sarili na nasa desperate situation 47 taon na ang nakakaraan.

Nagsalita din si Hopkins tungkol sa depression at anxiety at hinimok ang lahat ng mga may pinagdadaanan na humingi ng tulong upang hindi maapektuhan ang kanilang sarili at pamilya.//CA