Alert Level 4, hindi pa kailangan sa NCR ayon sa Palasyo

Hindi nakikita ng Malacañang ang pangangailangan na isailalim ang Metro Manila sa ilalim ng mas istriktong Alert Level 4.

Ito ay kahit malapit na sa moderate risk ang healthcare utilization rate ng rehiyon sa gitna ng tumataas na COVID-19 cases.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, hindi pa tinatamaan ng NCR ang kinakailangang metrics para sa bed utilization.

Ipinunto niya na nasa 100% na kasi ang COVID-19 vaccination coverage ng rehiyon.

Nitong January 9 ay umabot ang ICU bed utilization ng Metro Manila sa 52% habang ang isolation utilization naman ay nasa 50%.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Samantala, nasa 65% naman ang utilization ng ward beds habang nasa 26% naman ang mga ginagamit na ventilators.

Mababatid na nasa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang January 15.