LEGAZPI CITY – Kinoronahan bilang Miss World Face of Beauty Philippines 2024 ang isang Albayana sa kakatapos lamang na Miss World Philippines nito lamang nakaraang linggo sa SM MOA Arena, Pasay City.
Ang nasabing Albayana ay kinilalang si Jeanne Isabelle Bilasano, 25 taong gulang, mula sa bayan ng Malilipot, Albay. Ang nasabing kandidata ay kumatawan sa buong rehiyon ng Bicol sa nasabing kompetisyon
Ang Albayana beauty queen ay ang nag-iisang healthcare professional na nagsasanay sa Speech Language Pathology sa lalawigan ng Albay.
Bukod sa nasabing parangal, ginawaran din ang Albayana beauty queen ng mga espesyal na parangal tulad ng Miss Beauty with a Purpose, Miss Forticare, at Miss Procap.
Nakuha ni Bilasano ang nasabing parangal dahil sakanyang advocacy video na “SLP in the Barrio,” nahinangaan sa iba’t ibang Miss World Ph platforms, kung saan ito ang nagdala sakanya para makuha ang espesyal na parangal na Miss Beauty with a Purpose.
Nakatakdang namang sumabak sa parehong beauty contest international competition si Bilasano sa darating na buwan ng Setyembre sa bansang Taiwan.