PGA, bumuo ng Eye Healthcare Team para mabawasan ang mga taong nabubulag sa Lalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Bumuo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) kamakailan lamang ng isang Eye Healthcare Team na nakatalaga sa pangangalaga sa kalusugan ng mata upang mabawasan ang mga taong nabubulag sa lalawigan ng Albay.

Ang nasabing grupo ay naglalayong tugunan ang prevalence ng visual impairment sa bansa, kung saan ayon sa 2018 National Survey of Blindness and Eye Disease Study, tumaas sa tinatayang 1.98% o 2 milyong kaso ang mga taong nabubulag sa Pilipinas.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Dahil dito, sinimulan ng pamahalaang panlalawigan ang paglikha ng nasabing grupo na siyang magpapadali sa pagpapatupad ng  Eye Health Care Program sa probinsya. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng nasabing grupo, inaasahang makakatulong ang mga ito para mabawasan ang bilang ng mga taong nagkakaroon ng visual impairment sa pamamagitan ng mga hakbangin at programa sa eye healthcare sa lalawigan.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings