Albay PPO, tiniyak na magiging maayos at ligtas ang lahat ng taong pupunta sa mga sementeryo ngayong undas

LEGAZPI CITY – Patuloy ngayon ang pag-iikot ng Albay Police Provincial Office (PPO) sa mga sementeryo upang siguradohing may PNP personnel na inilatag ang bawat police station.

Tiniyak ni PCOL. Fernando Cunanan, head ng nasabing opisina, na ang lahat ng bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ay magiging maayos at ligtas.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Aniya, kailangan doblehin ang paghihigpit ng kapulisan sa mga pumapasok sa sementeryo upang walang makakalusot na mga ipinagbabawal tulad ng matatalim na bagay, baraha, sound system at iba pa.

Nagbigay na rin ito ng kaukulang tuntunin sa bawat police station bago pa man pumasok ang Undas.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Katuwang ng mga otoridad sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ang mga barangay officials  dahil sila ang nakakaalam ng lugar.

Pakiusap ng opisyal sa lahat na mga papasok na sumunod lamang sa anumang ipinatutupad sa mga sementeryo upang walang kaguluhang mangyari.