Albay PHO nagpaliwanag re: delay sa release ng SRA ng mga health workers sa probinsya

BICOL—Maaaring mairelease na ngayong linggo ang Special Risk Allowance (SRA) ng nasa 81 eligible health workers na direktang nagseserbisyo sa mga COVID patients sa lalawigan ng Albay. Ito ang kinumpirma ni Ryan Altavano ng Provincial Health Office base sa Committee report ng Committee on Health sa Sangguniang Panlalawigan.

Para ito sa SRA mula December 16, 2020 hanggang June 30, 2021 kung saan downloaded na umano ang pondo sa Provincial Government mula sa Department of Health (DOH). Naiproseso na rin ang payroll nito at nakatakdang irelease ng Provincial Treasurer’s Office ngayong linggo.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kaugnay nito ay nagpaliwanag naman si Altavano sa komite kung bakit natagalan ang pagrerelease sa SRA ng mga health workers. Anya, nagkaroon ng pagrepaso sa guidelines ng DOH kung saan maliban sa mga doktor, nurse at midwife, isinama na rin sa mga mabibigyan nito ang mga radiologists, driver ng ambulansya at mga indibidwal na nakatoka sa disinfection at sanitation na may direktang kaugnayan sa COVID-19.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ito anya ang nilalamang ng panibagong MOA ng DOH-CHD at ng PGA sa ngayon kung saan ang SRA claims mula sa December 20, 2020 hanggang June 30, 2021 ay para naman sa karagdagang eligible health workers na nabanggit.

Kaugnay nito ay umaabot sa P1,148,000 na pondo para sa SRA ang nai-download na sa provincial government noong June 24, 2021 at karagdagang P426,118 nitong August 10, 2021.### || slm, with reports from BNFM Legazpi