Pres. Duterte umapela sa mayayamang bansa na kumilos kontra climate change

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mayayamang mga bansa na gawin nito ang kanilang moral obligations para solusyunan ang problema ng mundo sa climate change.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang talumpati sa 76th United Nations General Assembly (UNGA) ngayong umaga.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Ayon sa Pangulo nagbabadya ang isang matinding trahedya sa buong mundo kapag nabigo ang mga bansang aksyunan ang isyu ng climate change.

Ibinahagi naman ni Pangulong Duterte na nagsumite na ang Pilipinas ng mga maaaring konstribusyon nito para mabawasan ang greenhouse gas emission ng 75% pagsapit ng 2030.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Subalit posible umanong masayang lamang ang pagsisikap ng Pilipinas kung hindi kikilos ang mga mayayamang nasyon na labis-labis na nagdudulot ng polusyon.

“This contribution will be rendered useless if the biggest polluters past and present choose to do business as usual. We, therefore, appeal for urgent climate actions, especially those who can truly tip the balance,” ani pangulo.