Nakuha ng lalawigan ng Albay ang pangalawang puwesto sa may pinakamababang inflation rate sa buong rehiyon ng Bicol noong nakaraang buwan ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol.
Sa panayam kay Conny Baleda, statistical specialist II ng nasabing tanggapan, inihayag niyang 6.6% ang naitalang inflation rate sa lalawigan noong Oktubre, kung saan pumapangalawa ito sa pinakamababa.
Aniya, ang mga items na nakaapekto o umambag sa inflation rate ng lalawigan ay ang food and non-alcoholic beverages, restaurants at ang recreation, sports and culture.
Ang pinakamababang inflation rate ay nakuha naman ng Catanduanes na may 5.6%, samantalang ang may pinakamataas na inflation rate sa buong rehiyon ay naitala sa Camarines Sur.