BFP Bicol, target matapos ang 10-year modernization ng fire trucks sa taong 2033

Tinatarget ngayon ng Bureau of Fire Protection (Bicol) na matapos ang sampung taong modernisasyon ng mga fire trucks sa taong 2033.

Ayon nkay BFP Bicol regional director Renato Perdigon, sa kasalukuyan ay nasa proseso pa lamang tayo ng pagmo-modernize ng nabanggit na behikulo.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa loob umano ng sampung taon ay kinakailangang iprayoridad ang mga kinakailangang behikulo.

Aniya, sila ang ahensyang nangunguna pagdating sa mga emergency medical response, kung kaya’t kinakailangan nila ng mga ambulansya at fire trucks na magagamit sa pagresponde sa oras na magkaroon ng mga emergencies.

Dagdag pa nito, marami umanong klase ng mga fire trucks na kinakailangan ng kanilang opisina; halimbawa na lamang nito ay ang mga fire trucks na may tanker, mini fire trucks o penetrators, ladder trucks at iba pa.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Samantala, hindi naman masabi ng opisyal kung ilan o magkano ang halaga ng kanilang target budget para sa nasabing modernisasyon.