Albay, napiling maging benipisyaryo ng Asia Development Bank

LEGAZPI CITY – Napili ang lalawigan ng Albay na maging benipisyaryo ng Asia Development Bank (ADB) kung saan makakakuha ito ng skills up networking study grant ayon sa Department of Tourism (DOT) Bicol.

Sa katanuyan, mayroon nang ilang mga Albayano ang nasa training ngayon na pinondohan ng ADB.

Ang unang batch ng trainees para sa ADB-funded training ay nakatakdang magtapos anumang oras ngayong taon.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

Ito ay kinumpirma mismo ni Tourism Operations Officer Mary Ann Velasco Colle ng Provincial Tourism, Culture and Arts Office (PTCAO), at sinabing malapit na sa kulminasyon ang unang batch ng kitchen management training.

Ang nasabing training na nagsimula noong Pebrero ay inaalok at pinamamahalaan ng mga internationally-accredited na paaralan katulad ng Apicius Culinary Arts and Hotel Management at ang Canadian Tourism and Hospitality Board.

Read More:  Gunmen kill farmer in hail of bullets outside home in southern Negros town

Upang maging kwalipikado ang ilang mga lalahok sa training, kailangan ang mga nagsasanay ay mga miyembro-kinatawan ng Dagos Tabi Network na pinili mula sa 25 local network ng mga maliliit at katamtamang negosyo ng hotel at restaurant na binubuo pangunahin ng mga homestay at accommodation ng Albayano.