LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Sto. Domingo na wala silang mga residente o barangay na pasok sa 6km permanent danger zone ng Bulkan Mayon.
Ayon kay MDRRMO head Mark Ian Siapno, magkakaroon lamang ng paglilikas na mga residente o barangay ay ang nasa 7.5 Km permanent danger zone.
Kabilang sa mga residenteng ililikas ay ang mula sa mga barangay ng Lidong, San Isidro, Fidel Surtida, Sta. Miscericordia at San Fernando na halos pasok sa 7.5km PDZ ng nasabing bulkan.
Inabisuhan na rin nila ang mga barangay officials na maging alerto at handa sakaling magpatupad ng mandatory evacuation.
Sinabi ng opisyal, matagal na silang nagplano at naghanda kahit nasa alert level 1 status ang bulkan, at nakahanda na rin ang mga dapat na gawin lalo na pagdating sa protocols evacuation at stockpiling ng mga relief goods at iba pa.