LEGAZPI CITY – Nakapagtala ang lalawigan ng Albay ng 31 na mga kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng dalawang magkakasunod na araw.
Sa datos na inilabas ni Albay Gov. Noel Rosal sa pamamagitan ng isang Facebook post, 14 na kaso ng naturang sakit ang naitala noong Agosto 17, habang 17 naman sa Agosto 18.
Sa distribusyon ng mga kaso noong Agosto 17, mayroong tatlong sa Daraga at Ligao City, dalawang kaso naman mula sa lungsod ng Legazpi, samantalang mayroon namang tig-iisang kaso mula sa Guinobatan, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Tabaco City, Camalig at Bacacay.
Noong Agsoto 18 naman, nakapagtala ang Daraga ng walong kaso, lima sa Legazpi City, dalawa sa Rapu-rapu at parehong tig-isa sa Oas at Tabaco City.
Muling nagpaalala ang gobernador na iwasan na munang magtungo sa matataong lugar at ugaliin pa rin ang pagsunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at social distancing.
Dagdag pa nito, kinakailangan na ring magpabakuna ng booster sa mga lugar na may mga vaccination upang mapataas ang vaccination rate sa Albay.