LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng National Economic and Development Authority (NEDA) Bicol na nakakuha ng pinakamataas na boto si Albay Gov. Noel Rosal bilang nominado sa chairmanship ng Bicol Regional Development Council (RDC) para sa taong 2022-2025.
Ayon sa tanggapan, si Rosal ay may kabuuang 43 boto, 31 na boto para kay Camarines Sur Gov. Vincenzo Renato Luigi Villafuerte at 20 para kay Mayor Fernando Gonzales ng Ligao City.
Si Rosal ay naging chairman ng Bicol RDC para sa 2019-2022 bilang dating alkalde ng Legazpi City.
Ayon pa sa handbook ng RDC, ang mga nominado ng rehiyon ay dapat magsumite sa Office of the President para sa kumpirmasyon at appointment nito.
Ang RDC ay ang pinakamataas na katawan sa pagpaplano at paggawa ng patakaran sa rehiyon at ito ay nagsisilbing counterpart ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board sa sub-national level.