Aktibong kaso ng Covid-19 sa Tacurong, bumaba

KORONADAL CITY — NASA 72 na lamang ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Tacurong base sa Covid-19 tracker ng lungsod.

Mas mababa ito kung ihahambing sa mahigit 100 aktibong kaso noong mga nakaraang buwan. Base sa datos ang Barangay Poblacion ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Matatandaan na mahigpit ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa lungsod laban sa Covid-19.

Dahil dito, patuloy ang panawagan ng city government sa publiko na sundin ang lahat ng mga health protocols upang mas mapababa pa ang kaso sa lungsod.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Isa umano sa mga naging dahilan ng bahagyang pagbaba ay ang disiplina ng lahat na mga nagsasagawa ng transaksyon sa labas ng kani-kanilang mga tahanan.