Aktibong kaso ng Covid-19 sa Sorsogon bumaba; 25 recoveries, panibagong naitala

SORSOGON CITY – Patuloy sa pagbaba ang bilang ng aktibong kaso ng coronavirus o Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon, ito ay matapos na makapagtala ng 25 gumaling sa sakit ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Anim sa mga gumaling ay mula sa mga bayan ng Juban at lungsod ng Sorsogon, apat sa Gubat, tig- dadalawang recoveries ang naitala sa mga bayan ng Bulusan, Donsol Juban at Prieto Diaz habang isa naman sa Barcelona.

Sa kabuuan, may 157 na ang naitalang recoveries sa impeksyon sa lalawigan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Maliban pa rito, wala ring naiulat na bagong kaso at pagkasawi.

Sa kabuuan, umaabot na sa 5,823 ang bilang ng mga gumaling sa naturang sakit.